When those we care about ruin themselves


Wish I was gone so I wouldn’t be here to witness how people slowly destroy themselves and only realize what they’ve done on the brink of destruction.

Advertisements
When those we care about ruin themselves

Anong gagawin mo kung


Paggising mo, wala ng lahat ang mga taong mahalaga sayo. Nawala, biglang hindi lang sila nag-exist.

Wala na ang mga taong maiingay, makukulit at nakikialam sa mga trip mo. Wala ka ng responsibilidad at expectations na nakaka-pressure. Lahat ng mga bagay na kinaiinisan mo pag nandyan lang sila sa tabi mo wala na.

Wala ng babati sayo tuwing umaga sa cellphone mo at magsasabing mahal ka niya. Wala ka na ring kasamang manood ng anime tuwing umaga habang kumakain ka ng itlog na mula ngayon ikaw na lagi ang magluluto. Wala ng tatawa sa mga jokes mong walang kwenta. Wala ka ng kasamang tatawa sa mga katangahan mo sa bahay nung bata ka pa. Wala ka ng kasamang magtitiyagang makinig sa boses mo pag nagvideoke ka sa Timezone. Wala ng hahawak ng kamay mo pag gininaw ka sa sinehan at habang naglalakad sa Trinoma.

Wala ka ng kukunan ng pictures na hindi ikaw ang bida. Wala ka ng maaasar kapag gusto mo mam-bully sa bahay dahil trip mo lang. Wala ka ng masusungitan na after 30 minutes e okay na ulit kayo. Wala ka ng pagpapacute-an at popormahan. Wala ka ng ido-drawing, susulatan at tutugtugan. Wala ka ng igogoodbye kiss pag-alis mo ng bahay. Wala ka ng papasalubungan.

Wala ka ng problema. Wala na ring dahilan para ngumiti, para magpatuloy, para mabuhay.

Anong gagawin mo kung

Dear more-than-decade-old-electronic-keyboard,


We’ve lost all our VIP audience. It’ll just be you and I from here.

We’ll be playing for no one, but my Emotions and your Music alone.

I can’t wait to spend more time with you,

making up stuff no one would want nor understand,

exploring worlds I would never be able to visit with my bare feet.

I miss you.

 

Sincerely,

your friend who abandoned you for years and came back

Dear more-than-decade-old-electronic-keyboard,

Mga lobo


Nahihirapan ako na mas mahal kita kaysa sarili ko. Hindi mo naman kasalanan na nahihirapan ako kasi buo rin ang pagmamahal na ibinibigay mo. Nasa akin lang ang problema dahil hindi ko magawang mahalin din ang sarili ko ng buo. At tama ka kung sasabihin mong makasarili ako. Iyon lang talaga ang punto ko sa pagsulat ngayon.

Makasarili ako. Bawat katagang mababasa mo ay tungkol sa lang sa akin. Kaya mabigat ang pinagdadaanan ako sa tuwing nangyayari ito. Makasarili ako pero hindi ko magawang tanggapin ang mga kahinaan ko. At natatakot akong lumayo ka kapag nakita mo ang mga kahinaang iyon na hindi mo pa nalalaman dati. Natatakot akong hindi maging sapat para sa’yo dahil kahit kailan hindi ko pa nasabing sapat ako para sa aking sarili. Kapag natatakot ako, kinakamuhian ko ang pagkatao ko, ang mga ginawa, sinabi at inisip ko. Tinatanong ko kung bakit hindi ako kagaya ng mga karakter sa mga kwento at ang isinasagot ko ay “Hindi nga kaya’t magbago ka.” Hanggang sa kamuhian ko lalo ang aking sarili dahil hindi ko magawang magbago. At kamumuhian ko kayong lahat na wala man lang kayong kamalay-malay. Kamumuhian ko kayong lahat dahil sa isip ko ay buhol buhol na ang mga tanong, takot at galit samantalang aninag ng mga mata kong malayo ito sa katotohanan.

Nakaabang ako sa bawat patak ng oras habang hinihintay ang iyong pagbati. Walang tigil sa paglamon ang anino ng itim na mga lobo nagwasak ng katotohanan sa isip ko. Ayoko ng pakainin ito. At kailangan ko itong sibatin bago pa ako mismo ang maubos at patayin.

Hindi ako magpapatalo sa mga itim na lobong naglipana sa aking isip.

Mga lobo