Kailangan ko ng gamot


Alam mo, maganda ka naman at medyo fit ka naman. Nerd ka so may sense kang kausap pero wala kang common sense minsan kaya lutang ka pag may pinag-uusapan.

Hindi kulang ang pagkatao mo. Kulang lang yung tingin mo sarili mo kasi gusto mo ikaw lang ang pinaka sa lahat. Pinakamagaling, pinaka ganito pinaka ganyan at hindi naman yun mangyayari kasi kahit sa mga taong gaya ni Einstein at Da Vinci ay may nakakahigit sa ibang bagay.

Alam mo yan na kahit sino ka pa ay laging may ibang taong lamang sayo sa ilang aspeto. Pero di naman ibig sabihin nun ay di mo na mamahalin kung anong meron ka. Kasi mayroon ka ding mga ilang aspeto na ikaw naman ang binigyan at ang iba ang wala.

Tanggapin mo ng maluwag sa loob mo na hindi ka perpekto. At wag mong asamin na maging perpekto. Ang importante ikaw ay maging mabuti. Sometimes it’s better to be good than to be best.

Maniwala ka na may mga taong handang magmahal sa’yo kahit di ka perpekto. Totoong pagmamahal. Hindi lang dahil mahusay ka pero dahil ikaw iyon.

Isa lang naman ang kulang – iyong mahalin ang sarili mo. Pag natutunan mo iyon, hindi mo na kailangan ng gamot. Lalaya ka.

Advertisements
Kailangan ko ng gamot

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s