Pikit


“May problema ba?”

“Wala. Ayos lang ako.”

Ramdam ko ang tunay na kahulugan nito sa tono ng boses niyang matamlay at may pag-aalinlangan. Hindi niya ugaling magsalita ng walang katotohanan maliban na lamang kapag may nararamdaman siyang gustong itago.

“Ikaw, kamusta ka?”

“Ganun pa rin. May bago akong nabuong kanta.”

Nagbago ang tono ng boses niya. “O? Ang galing pangbente mo na yan ngayong taon!”

“Oo nga e.”

“Pwede ka na gumawa ng album! Ako magpo-produce gusto mo?”

“Ayoko nga baka sumikat pa ko. Laos yang FOB at Panic at the Disco sa ‘kin.”

“Kawawa naman sila mawawalan ng career. Baka di na yun mag-concert dito.”

“E kaya nga di ko sinusubukan para makapanood ka pa.”

” ‘lol yabang mo!”

Nagbukas na naman ako ng panibagong pintuan na tatakbuhan niya. Minsan napapaisip ako kung tama pa ba ang ginagawa ko para pagaanin ang loob at matakasan ang kaguluhan ng isip niya.

“Gusto mo marinig?”

“Sige asan na?”

Kinuha ko ang earphones sa bulsa at inilabas ang recorder galing sa bag. Ilalapag ko sana ito sa damuhan pero nakaabang na ang kamay niya at lumapat sa akin. Inabot ko ang mga gamit at naghintay sa sasabihin niya.

“Kahapon ko yan nasulat. Nasa mood kasi ako tumugtog tapos naalala ko yung mga kinukwento mo sa akin dati.”

“Dati? Tungkol saan?”

“Tungkol sa guys mo. Hahaha.”

“Grabe guys ko talaga? E uto uto kasi ‘ko nun kaya may ganung mga kwento dati. Nakakahiya nga yun e.”

“Alam ko naman yun. ”

Kung anong saya ang nabibigay ko sa kanya tuwing magkausap kami, siya ring inis niya kapag ako ang bumanat.

“E bakit naman yun pa naisip mo na theme? Sana yung sarili mong kwento na lang chinismis mo.”

“O inis ka na niyan?”

“E ikaw e bakit kasi yun?”

“Naisip ko nga lang. Ang kulit o.”

Alam ko na rin ang nasa isip niya. Ang sungit ko na naman. Siya naman, kahit dati pa ay mahilig ng magtanong lalo na kapag hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa ng mga tao ang mga ginagawa nila. Ito ang dahilan kaya siya nasasaktan at nawawasak mula sa loob. Maraming tao ang gumagawa ng mga bagay na hindi niya maintindihan ang katwiran.

“Ano na masasabi mo?”

Hindi na siya umimik. Sumandal lang siya sa akin at niyakap ng mahigpit ang braso ko.

“Anong problema?”

“Hindi ko alam. Natatakot lang ako.”

“Saan? Bakit?”

“Natatakot ako sa sarili ko at sa mga bagay na pwedeng mangyari.”

“Ganun naman talaga para sa lahat diba.”

“Oo nga e kaya nga hindi ko pinapansin.”

Bumitaw siya at umalis sa pagkakasandal. Hinayaan ko muna siya.

“Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Kinamumuhian ko ang lahat pati sarili ko. Natatakot akong mawala kayo sa ‘kin dahil sa kabalbalan ng mga nakikita ko. Ang hirap mabuhay pag namulat ang mata mo sa dumi ng realidad.”

“Hindi naman tayo magpapabago. Haharapin natin lahat yun pero hindi magbabago ang nasa loob natin. ”

“Hindi nga. Dito lang ako sa tabi mo.”

Hinawakan niya ang kamay ko ng buong lakas. Nagkaroon ulit siya ng pag-asang magpatuloy sa buhay. Sasamahan ko siya. Aalalayan ko sa tuwing madadapa. Nagtitiwala akong kaya namin ang lahat.

Advertisements
Pikit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s