Weak


I want to tell you that I don’t miss you even if I do but every time I feel that, I can’t help saying how much I do.

But I’m afraid that because everyday I tell you how much you mean to me, you might not miss me back the way you would two days or three without me.

Maybe it’s just whenever I think twice about saying how you are missed, I wish that you would say the same thing to me first.

Maybe I’m too romantic. I wish it was as simple as being romantic.

But it’s not. It’s something that needs to be fixed.

I had been working on it and have not found the cure.

I hope I will soon. I hope I find it in me. I hope to find it without needing your help.

Weak

Mga lobo


Nahihirapan ako na mas mahal kita kaysa sarili ko. Hindi mo naman kasalanan na nahihirapan ako kasi buo rin ang pagmamahal na ibinibigay mo. Nasa akin lang ang problema dahil hindi ko magawang mahalin din ang sarili ko ng buo. At tama ka kung sasabihin mong makasarili ako. Iyon lang talaga ang punto ko sa pagsulat ngayon.

Makasarili ako. Bawat katagang mababasa mo ay tungkol sa lang sa akin. Kaya mabigat ang pinagdadaanan ako sa tuwing nangyayari ito. Makasarili ako pero hindi ko magawang tanggapin ang mga kahinaan ko. At natatakot akong lumayo ka kapag nakita mo ang mga kahinaang iyon na hindi mo pa nalalaman dati. Natatakot akong hindi maging sapat para sa’yo dahil kahit kailan hindi ko pa nasabing sapat ako para sa aking sarili. Kapag natatakot ako, kinakamuhian ko ang pagkatao ko, ang mga ginawa, sinabi at inisip ko. Tinatanong ko kung bakit hindi ako kagaya ng mga karakter sa mga kwento at ang isinasagot ko ay “Hindi nga kaya’t magbago ka.” Hanggang sa kamuhian ko lalo ang aking sarili dahil hindi ko magawang magbago. At kamumuhian ko kayong lahat na wala man lang kayong kamalay-malay. Kamumuhian ko kayong lahat dahil sa isip ko ay buhol buhol na ang mga tanong, takot at galit samantalang aninag ng mga mata kong malayo ito sa katotohanan.

Nakaabang ako sa bawat patak ng oras habang hinihintay ang iyong pagbati. Walang tigil sa paglamon ang anino ng itim na mga lobo nagwasak ng katotohanan sa isip ko. Ayoko ng pakainin ito. At kailangan ko itong sibatin bago pa ako mismo ang maubos at patayin.

Hindi ako magpapatalo sa mga itim na lobong naglipana sa aking isip.

Mga lobo